Thursday, April 5, 2018

Filipino KOMIKS




Pig's Nest
Pol Medina Jr(May-akda ng PUGAD BABOY)

 Ito ang idol ko na si Pol Medina Jr. Ang nagsulat at naguhit ng Pugad Baboy, isang komik napinagtatawanan, tinutukso at  binibiro ang mga iba't ibang bahagi ng ating kasaysayan at kultura. Monochromatic o iisang kulay lang ang estilo niya. Ngunit, mayroong din mga pagkakataon na makulay ang mga obra niya.Ang mga likha naman niyang mga aktor o tauhan madalas mataba o mga aso na may katangian ng tao. Puno ng social commentary ang mga komiks ni Pol Medina na madalas nagtatapos sa isang punchline na nakaktawa.

Libingan ng mga....bayani?
   Kung iisipin, mahilig tayong mga Pilipino sa komiks. Balikan natin ang mga panahon na mga bata pa tayo. Umiinom si tatay ng kape sa mesa habang kakababa mo pa lang ng hagdaanan pagkatapos kang kulitin ni nanay na gumising na kasi may pasok ka. Unang tingin mo kay itay, may hawak siyang dyaryo at sabay tatawa ang iyong magulang. Tatanungin mo siya, " 'tay bakit kayo tuwang-tawa?"  Ipapakita niya sayo ang bahagi ng dyaryo na binabasa niya. May halo ng tuwa at pagtataka dahil hindi mo naintindihan ang pinagsasabi ng mga tauhan sa komik ngunit nakakatuwang tingnan ang mga guhit.

    Bakit nga ba ganito? Siguro dahil hindi pa tayo masyadong mulat sa mga pangyayari sa bansa. Mahirap para sa isang musmos na maintindihan ang mga balita sa bansa dahil ang hilig at atensyon nila nakatuon sa cartoons, laruan o ,ngayon, sa internet. Habang tumatanda tayo at inaaral natin ang kasaysayan na iintindihan natin bakit maraming galit kay Marcos, bakit reklamo ng reklamo ang magulang natin sa tumataas na presyo ng mga bilihin at bakit nakakatawa ang malalaswang biro. Parte kasi ng pagtanda ang pag-iintindi at lahat naman tayo tumatanda. Galing kasi ang nakakatawang epekto sa konteksto ng Pilipinas. Hindi naman gagana ang isang biro sa masa kung hindi nila ito naiintindihan.

"Piracy is a Crime", ika nga ni Derek Ramsay

      Nabasa ko ang mga komiks ni Pol Medina sa dyaryo pero ang palagi kong binabasa ngayon sa Facebook ko na nakikita.  Madalas ginagamit ang Facebook upang manood ng mga vines, magbasa ng mga memes at makipagusap sa iba't ibang tao. Hindi kilalang  plataporma ang Facebook biling isang paraan magbasa ng komiks. Sayang ito dahil puwede nating puntahan ang mga profile ng iba't ibang tao na pinapakita ang kanilang mga gawang komiks. Nakakutong sakin ito dahil mahilig din ako maguhit. Inaaral ko ang mga mukha at reaksyon ng mga taong ginuhit dahil dito galing ang mga nakakatawang bahagi ng komiks. Importante rin ang paneling kasi nakasalalay dito istraktura ng komiks at ang linis nito. 

      Nakuha naman ni Janjan Comics kung bakit tuwang-tuwa ako sa eksena, ang paghulog sa kamatis sunod ng "AY!" , ang linyang "Pare, pulis ako." o ang mahiwagang "Stealing is a Crime." Naiintidihan ng mga nagsusulat ng komiks na ito ang mga bagay na nakakatawa sa akin. Sa tulong ng Facebook at mga tao kagaya ni Janjan, naiintindihan ako kung anong mga biro ang dapat hanapin ko para matawa ako.masyadong seryoso ang tono ng bidyo masarap mang isipin na hahabulin ka ni Derek Ramsay.

     Mahirap iwasan ang aspetong kultural ng mga komiks dahil kultura nga bumubuhay dito. Sa ikalawang komik na ginuhit ni Janjan, makikita ang isang babaeng kahawig ang isang kalahok ng isang beauty pagaent. Mahilig na mahilig tayo sa mga ganito at lalong-lalo na ang Miss Universe na palaging binibigyan ng pansin ng bansa. Mayroon identidad sa komiks dahil maka-tao ito; Para ito sa masang Pilipino. 

     Mainam na isipin na malaking bahagi ang wika sa pagagawa ng komiks. Malikahin tayo sa paggamit ng ating wika. Tayo lang makakaintindi ng mga sagutan kagaya ng "Bababa ba? Bababa." Yamang-wika ito.


        Aminin natin o hindi, may kabastusan din tayong mga Pilipino. Ngunit, sa komiks, nagdadala pa rin ito ng patawa sa mga mambabasa nito. Kahit sabihin natin masama ito, isa pa rin ito sa mga bagay na madaling maintindihan.


     May abilidad din itong pag-usapan ang panahon at okasyon kagaya ng Bagong Taon, Pasok at malamang Chinese New YearTIKOY! TIKOY! TIKOY! TIKOY!

       Ngunit, pag-ibig at kasawian talaga ang pinakamadaling ibenta dahil lagpas pa sa Pilipino ang abilidad na magmahal ng kapwa tao. Madalas lang talaga tayong masawi. 


     Lumaki akong nagbabasa ng manga at komiks galing Marvel at DC. Pangarap ko ito sa buhay kaya nakakutuwang magbasa ng komiks galing sa ibang tao dahil natutuo ako sa mga estilo nila at pagkukuwento nila. Mahilig na mahilig ako sa mga naratibo at mga storya ng tao, malalim man sila o sabaw.


    Sigurado ako na hindi lang ako naapektohan ng mga artistang ito. Maraming nagbabasa ng mga komiks nila at ang halaga nito iba't iba. Sa iba, maaraming para mawala ang lungkot sa kanilang buhay. Sa iba, maaaring gusto lang magbasa ng komiks. Sa iba, baka may ginagawa silang isang papel tungkol sa komiks. Ang halaga ng komiks batay sa tao.

   Sa huli, Hindi lahat ng komiks magkakapareho ng tema ngunit isa lang naman ang layunin ng mga komiks. Gusto lang naman ng mga may-akda at naguguhit na matuwa tayo at maiintindihan ang linalaman ng mga likha nila. Mah- Booty na lang kasama na sa kultura natin ang matuwa sa mga ganito.